LIMANG katao ang namatay matapos na hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kinilala ang mga biktima na sina Gilbert Yu, Charito Yu, Abigail Yu, Ryan Yu at isang nakilala lamang sa pangalan na Rita habang sugatan naman si Cheryl Yu na nagtamo na pinsala sa kanyang katawan.
Nagawa naman masagip ng mga awtoridad sa natutupok na bahay sina Stephanie Yu at Richard Yu.
Sa ulat ng Eastwood Police Station 12, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang masunog ang tahanan ng mga biktima na matatagpuan sa No. 63 Castrillo St. Corinthians Garden, Brgy. Ugong Norte, Q.C.
Tumagal ng dalawang oras ang sunog at bandang alas-3:50 ng madaling araw nang ideklara ng Bureau of Fire Protection (BFP) na fire under control.
Tinatayang umabot sa 60,000,000 ang napinsala na mga ari-arian sa nasunog na bahay ng pamilyang Yu.
Patuloy naman ang ginagawang pagsisiyasat ni Fire Investigator SFO4 Marcos Mondia kung ano ang naging pinagmulan nang pagkasunog ng tahanan ng mga biktima. EVELYN GARCIA
523155 661736Thank you for your really very good info and feedback from you. car dealers in san jose 340019
564039 37879 There are some fascinating points in time in this write-up but I dont know if I see all of them center to heart. There is some validity but I will take hold opinion until I look into it further. Excellent write-up , thanks and we want more! Added to FeedBurner as well 666928