NAKURYENTE SA JAMBOREE: 3 BOY SCOUT PATAY, 3 KRITIKAL

ZAMBOANGA – TATLONG miyembro ng Boy Scout of the Philippines ang nasawi habang 11 pa ang sugatan kung saan tatlo rito ang nasa kritikal pang kalagayan nang sumabit ang kanilang tent sa isang high tension wire na malapit sa kanilang camping site sa lalawigang ito.

Sa inisyal na ulat nagdaraos ng Boy Scout jamboree sa highland Abong Abong area nang maganap ang malagim na aksidente nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi sa electrocution na sina Kevin Iquid, Geoffrey Atillano at Alvin Gaspar nang tumama ang  isang tent na may mga metal frame na kanila sanang ililipat sa high tension wire ng Zamboanga City Electric Cooperative.

Bukod sa tatlong nasawi ay may 11 sugatan na mga scout na dinala sa ospital, tatlo ang nananatiling nasa kritikal na kondisyon, ayon sa mga lokal na tagatugon sa emergency.

Tuloy tuloy ang ginagawang imbestigas­d, kabilang ang Zamboanga City Police, Bureau of Fire Protection, at Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office sa insidente.

At nangakong maglalabas sila ng komprehensibong ulat sa lalong madaling panahon.

VERLIN RUIZ