CAGAYAN-PATAY ang magkapatid habang kritikal naman ang kanilang ama matapos malason sa kinaing “Kuret,’’ isang uri ng crabs sa bayan ng Sta. Ana ng nasabing lalawigan.
Nabatid na tatlong tatlong pamilya ang naghati-hati sa nahuling crabs o Kuret na kung saan lahat sila ay nalason subalit ang mag-aama ang matinding nalason.
Nakilala ang magkapatid na nasawi na sina Reign Clark, 5-anyos at Michael Craig Cuabo, 2-anyos samantalang malubha naman ang kanilang ama na si Eugenio Cuabo Sr ng Barangay Tangatan, Sta, Ana, Cagayan.
Ayon kay Barangay Chairman Isabelo Cariño, habang kumakain ang mga biktima ay nakaramdam umano ang mga ito ng panginginig ng katawan kaya’t agad na humingi ng tulong sa mga kapit-bahay at mabilis na isinugod sa pagamutan.
Sinasabing ang inulam na “Kuret” ay nakuha sa pangingisda ng ama ng dalawang anak na nasawi na dati naman umano nilang kinakain ang kahalintulad na klase ng crabs.
Sa pangyayaring ito, kumuha ng samples ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para sa gagawing imbestigasyon sa nasabing insidente. IRENE GONZALES
Comments are closed.