NALUSUTAN KAMI – GEN. ALBAYALDE

SULTAN KUDARAT –INAMIN ni PNP chief,  Dir. Gen. Oscar Alba­yalde na nalusutan sila ng mga masasamang ele-mento  kahit pa  pi­naigting ang seguridad ng pulisya sa buong bansa.

Sa panayam sa  PNP chief,  masaklap ang nangyari at sinabing kanilang daragdagan ang mabusising hakbang tulad ng Oplan Si-ta, mga checkpoint at lalo na ang pagpapalakas ng kanilang intelligence gathering.

Ang buong rehiyon ng Mindanao ay nasa ilalim din ng martial law na magtatapos sa katapusan ng buwan ng taong kasalukuyan subalit may naganap pang pagsabog, alas-8 ng gabi sa bayan ng Isulan.

Kasunod nito ay inatasan na ni Albayalde ang mga regional police director sa buong Min­danao na itaas ang alert level sa full alert sa kanilang areas of responsibilities.

Dahil nasa full alert ang PNP sa Mindanao, kanselado ang lahat ng leave ng mga pulis at kailangang naka-duty ang mga ito.

Tinitingnan na rin  ang motibo sa naturang insidente kung ito ba ay maituturing na terrorist attack.

PAG-AKO NG ISIS ‘DI KAPATOL-PATOL

Itinuturing namang isolated case ang nasabing explosion at sinabi ni Albayalde na hindi niya basta ikokonsidera ang pag-amin ng ISIS.

Hinala ni Albayalde na posibleng isa sa mga binabantayan nilang threat groups ang nasa likod ng pagsabog.

P1 MILLION PARA SA SUSPEK

Naglaan naman ang lokal na pamahalaan sa Sultan Kudarat  ng inisyal na P1 milyon na reward money sa makapagtuturo sa mga suspek.

Samantala, kinilala ang mga nasawi na sina Lenie Ombrog, 52-anyos, at Davy Shane Alayon, 7-anyos.

Sinabi ni Brig. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, isang salarin ang tinutugis ng mga sundalo nang biglang sumabog ang IED dakong alas-9:15 ng gabi, hindi kalayuan sa munisipyo.

Naganap ang pagsa­bog sa kasagsagan ng pagdiriwang ng ika-7 Hamungaya Festival sa Isulan.

Sinabi ni Sobejana na may nakapagbigay na ng impormasyon sa awtoridad na may iniwang bag sa lugar. At habang nagsasaga-wa ng follow-up operation ay sumabog na ang bomba.

Nakataas na ngayon ang red alert status sa buong rehiyon ng Soccksargen matapos ang insidente.        EUNICE C.

Comments are closed.