(Namahagi ng pagkain) KANONG MAY ‘PUSONG PINOY’ DUMALAW SA MGA PRESO

CAVITE- DUGONG-Kano pero may Pusong-Pinoy ang nananalaytay sa pagkatao ng 55-anyos na Software Engineer na si Fred Boltz.

Taun-taon kapag sumasapit ang panahon ng Kapaskuhan ay namamahagi ng pagkain sa mga preso ang banyagang si Fred.

Paraan umano niya ito ng pasasalamat sa loob ng isang taong punung-puno ng pagsubok sa buhay.

Mas pinili niyang pasayahin ang mga preso dahil ramdam niya ang pananabik ng bawat indibidwal na makasama at makapiling ang bawat pamilya nito.

“Huwag nating husgahan ang mga nakakulong. Bigyan natin sila ng pagkakataon na magbagong buhay,” kuwento ni Fred.

Umabot sa 109 na preso sa Rosario Detention Center, Rosario PNP ang napasaya ni Fred.

Si Fred ay masayang naninirahan ngayon sa Pinas kasama ang asawang Pinay na si Haydee Montano Boltz at mga anak. SID SAMANIEGO