NAMAMATAY NA BABOY SA RIZAL DUMARAMI

patay na baboy

DUMARAMI na ang mga namamatay na baboy sa Rodriguez, Rizal, sa kabila ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) na kontrolado na ang African swine fever (ASF) sa mga apektadong lugar.

Nitong nagdaang Huwebes, tatlo na ang namatay sa  alaga ng isang magbababoy sa Barangay San Isidro, Rodriguez.

Malaki na umano ang ikinalugi nito sa loob lang ng isang buwan makaraang mamatay ang 80 niyang alaga na pare-pareho ang sintomas.

Nangangamba siyang mamatay rin ang iba niyang mga alagang may sakit.

Isa ang lugar nila sa mga tinukoy ng DA na apektado ng African Swine Flu (ASF).

Nauna rito, sinabi ng ahensiya na kontrolado ang ASF sa lugar.

Ayon kay Bureau of Animal Industry Director Ronnie Domingo, may mga nagtago raw ng mga baboy.

“‘Yong mga nagagalit dati, ayaw mag-surrender ng hayop, tinago nila ‘yong hayop nila. Masa­sabi mo kasi na controlled na ‘yan kasi wala nang hahawahan ‘yan, patay na ‘yong mga kapitbahay niya na baboy,” ani Domingo.

Pero hindi lang sa Rizal may mga natatagpuang patay na baboy.

MGA PATAY NA BABOY INANOD SA MARIKINA, QUEZON CITY

Samantala, sa Marikina, 16 patay na baboy ang inanod sa boundary ng San Mateo, Rizal at Barangay Nangka nitong umaga ng Huwebes.

Comments are closed.