BINAWIAN din ng buhay ang Philippine Air Force (PAF) ang namaril na Airman 2nd Class sa loob ng barrack ng Philippine Military Academy (PMA) sa Fort Del Pilar Baguio City.
Ayon kay Maj. Cheryl Tindog, PMA spokesperson, namatay habang inooperahan ang nag-amok na si A2C Christopher F. Lim na matapos mamaril at binaril din ang sarili na hinihinalang may mental disorder na posible umanong dahil sa ipinatutupad na COVID-19 quarantine.
Sa pagsisiyasat, sinabi ni Baguio City Police chief Col. Allen Rae Co, ilang araw bago ang naganap ang insidente ay itinago na ng mga kasamahan ni Lim ang baril nito dahil umano sa kanyang kakaibang kinikilos.
“Initially po siguro may mental health problems na nadevelop itong suspek natin, maybe contributory din sa quarantine ngayong pandemic,” ani Co.
Sinasabing pinagbubuksan din ni Lim ang locker ng mga kasamahan nito .
Una rito, pinagbabaril ni Lim sina SSgt. Joefrey Turqueza, (PAF) na idineklarang dead on arrival sa pagamutan habang malubha namang nasugatan si SSgt. Vivencio, Raton, (PA) . VERLIN RUIZ
Comments are closed.