PUMALO sa 23 ang bilang ng mga nasawi habang 17 naman ang suspected fatalities na kasalukuyang biniberipika ba dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring kamakailan, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
Sa latest report ng NDRRMC, napag-alaman na 16 indibidwal ang kumpirmadong nawawala at dalawa naman ang biniberipika pa.
Bukod dito, may tatlo ring sugatan na tinutukoy pa sa ngayon ng ahensya.
Kabuuang 11 kalsada at 13 tulay naman ang hindi pa rin madaanan sa ngayon makalipas na 25 lugar ang binaha.
Samantala, humupa na ang tubig-baha sa 153 na lugar at bumababa na rin sa ngayon ang nasa 57 pang lugar.
Siyam na pantalan ang napaulat na non-operational, pero anim na ports sa Calabarzon, Mimaropa, at Caraga Regions ang balik na sa kanilang operasyon.
Kabuuang 775,000 bahay naman ang naitalang napinsala.
Nabatid na 155,156 pamilya sa bansa ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Maring, o katumbas ng 611,705 indibidwal.
Base naman sa ulat ng Department of Agriculture, tinatayang aabot sa P1.7 billion ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa sinalantang 68,137 ektarya ng agricultural areas.
470220 272249Wow, incredible weblog structure! How long have you been running a blog for? you made running a weblog appear easy. The complete look of your internet site is magnificent, neatly as the content material! 879981
450885 631116Usually I do not read write-up on blogs, nonetheless I wish to say that this write-up very forced me to have a look at and do so! Your writing taste has been amazed me. Thanks, really wonderful post. 426308