NAMATAY NA BABOY SA AKSIDENTE, ‘WAG KAININ-NMIS

NAGBABALA ang National Meat Inspection Service (NMIS) sa publiko na bawal kainin ang mga baboy na namatay sa aksidente dahil hindi ito dumaan sa pagkatay sa anumang slaughter house.

Ito ang apela ng NMIS makaraang malamang kinuha at inuwi ng mga residente sa Navotas City ang halos 40 baboy na namatay nang tumagilid ang delivery truck na kumakarga sa kanila nitong Martes.

Ipinaliwanag ni Dr. Jude Padasas, enforcement head ng NMIS-National Capital Region, dapat na dumaan muna sa inspeksiyon ang mga baboy bago kainin.

“Ang proseso kasi pagdating sa slaughterhouse niyan dino-double check ‘yan kung mayroon ibang early signs ng diseases. ‘Pag pumasok siya na ‘di pumasa, ‘di siya puwede katayin. Iho-hold muna siya or iko-condemn,” pahayag ni Padasas.

Aniya, maaari naman umanong dalhin sa emergency slaughter house ang mga naghihingalong baboy kung nais pang mapakinabangan upang matiyak din na ligtas itong kainin.

“Pero kung namatay na po siya definitely hindi ina-advice na ipakain at ipamigay kasi walang accountability, walang makakapag-signify na ‘yong baboy is fit for human consumption,” giit ng opisyal ng NMIS.

Idinagdag pa nito na maaaring maging sanhi ng food poisoning o diarrhea ang pagkain sa namatay na baboy na hindi dumaan sa tamang inspeksiyon o proseso. BENEDICT ABAYGAR, JR.

5 thoughts on “NAMATAY NA BABOY SA AKSIDENTE, ‘WAG KAININ-NMIS”

  1. 314598 961803Currently it seems like BlogEngine will be the greatest blogging platform out there appropriate now. (from what Ive read) Is that what youre making use of on your weblog? 583660

Comments are closed.