DAHIL buhay na ang pinag-uusapan, humingi na ng tulong itong si Rain or Shine player Rey Nambatac at nobyang si Keisha Ancheta sa programa ni Ruffy Tulfo sa TV5 upang mahanap ang lalaking nagbabanta sa buhay nilang magkasintahan.
Galit na galit ang isang netizen kay Nambatac dahil natalo ito sa pustahan nang ipasok ng player ang isang 3-point shot sa laban nila ng Phoenix Super LPG Fuel Masters na dapat sana ay malaki ang kalamangan ng huli. Marahil ay nagbigay ng plus ang naturang netizen sa kalaban kaya nagalit nang umiskor ang dating player ng Letran ng tres kaya naging dalawa lang ang kalamangan ng Phoenix.
Ayon kay coach Caloy Garcia, sadyang ginagawa ni Nambatac ang ganoon, ang magpasabog ng tres dahil nais ng player na makapasok sa semifinals ang Elasto Painters subalit hindi nga sinuwerte ang RoS at natalo sila sa Phoenix.
Ano naman ang kinalaman ni Rey sa pustahan nung netizen na nagbabanta sa buhay nilang magkasintahan? Naglalaro si Rey para sa team at wala siyang pakialam sa mga nagpupustahan.
Sabi nga nito sa kanyang FB account, ‘yung ipinusta ng taong ito ay idinonate na lang sana sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses at nakatulong pa ito. Posibleng malaki ang natalo ng mamang ito dahil galit na galit siya kay Nambatac at tadtad ng mura ang inabot ng palyer sa kanilang conversation sa FB.
Samantala, sa programa ni Tulfo ay napag- alaman na ang account na nagbabanta sa buhay nina Rey at Keisha ay hindi ang tunay na may-ari ng account. Na-hack ang account ni Mr. Nesar Dumalagan Jr. mula Zamboanga Ciy. Sa panayam ni Tulfo sa kanya noong October 4 ay sinabi ni Dumalagan na naireport na niya sa NBI na na-hack ang kanyang account at may gumagamit ng ibang tao.
Ngayon ay ito ang panibagong reklamo ni Nambatac at ng kanyang GF na isang kagawad sa Valenzuela – itutumba umano ang babae dahil nga sa pag-shoot ng basketbolista ng tres kaya natalo ang lalaki sa pustahan. Muling dumulog sa NBI ang tunay na may-ari ng account upang magpaliwanag na hindi siya ang taong nagbabanta sa buhay ng basketball player at sa GF nito. Ayon kay Naser, nagulat na lamang siya dahil nababasa niya ang kanyang pangalan sa social media kaugnay sa pangyayari.
Katunayan, nagpadala ang lalaki kay Tulfo ng NBI report na na-hack ang kanyang FB account.
Sana naman ay mahuli na ang taong tunay na nagbabanta sa buhay ng magkasintahan.
o0o
Nasa kani-kanilang bahay na ngayon ang mga team na laglag sa bubble. Ganoon na lamang ang pananabik ng mga player sa kanilang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
Isa na rito si NLEX player Kenneth Ighalo na kapapanganak lang ng asawa. Iniwan niya ang misis niya na ilang araw na lamang ay isisilang na ang kanilang 1st baby. Pero dahil sa tawag ng laro ay kailangang pumasok na sila sa bubble. Ayaw man iwanan ni Ighalo ang kanyang asawa at gusto niyang nasa tabi siya nito ay wala siyang magawa. Ngayon ay walang pagsidlan ang kaligayahan ng dating Mapua player – karga at yakap-yakap ang kanyang baby. Congrats, Kennet. Dagdag inspiration niya ang kanyang baby sa paglalaro.
Comments are closed.