NAMBATAC IPINAMIGAY SA BLACKWATER

ISA na namang player mula sa Rain or Shine ang mapupunta sa Blackwater.

Makaraang papirmahin si two-time PBA MVP James Yap, ang Bossing ay nasa proseso ng pagkuha sa serbisyo ni Elasto Painters guard Rey Nambatac kapalit ng kanilang 2024 first round draft pick at 2025 second round pick.

Hinihintay na lamang ng Blackwater ang approval ng PBA sa trade.

Ito na ang pagtatapos ng matagal na pananatili ni Nambatac sa Rain or Shine makaraang kunin siya ng franchise noong 2017 bilanf seventh overall pick.

Ang dating  Letran standout ay kabilang sa steady locals para sa Rain or Shine sa kanilang kampanya sa  Commissioner’s Cup  sa pagposte ng averages na 8.45 points, 2.45 rebounds, at 2.45 assists upang tulungan ang koponan na makapasok sa quarterfinals bago natalo sa  twice-to-beat San Miguel.

Inaasahang pupunan niya ang butas na iniwan ni Baser Amer, na napunta sa NLEX matapos mapaso ang kanyang kontrata sa Bossing sa pagtatapos ng kanilang kampanya sa Commissioner’s Cup noong nakaraang buwan.

CLYDE MARIANO