NAMBOMBA NADISKUBRENG KABATAAN

bomba

NORTH COTABATO – MAKARAAN ang intelligence ga­thering ng militar, natuklasan na mga batang recruit ang napag-utusan sa serye ng pagsabog sa Central Mindanao kung saan marami ang nasugatan.

Batay sa panayam kay Major Homer Estolas, tagapagsalita ng 6th Infantry Division Philippine Army, dahil hindi agad mapapansin ang perpetuator, ipinahayag nito na doble ang ipinatutupad na security measures sa mga matataong lugar sa Cotabato City kung saan naganap ang unang pag-sabog; Limbungan, North Cotabato at sa bayan ng South Upi, Maguindanao.

Aniya, pinaigting din ang pagsasagawa ng checkpoints sa entry at exit points upang maiwasan ang parehong insidente.

Samantala, ibinunyag nito na ang mga kabataang edad na 15 ang tinitingnang siyang nag-iwan ng fragmentation grenade sa Cotabato City.

Kaugnay nito, inaalam din ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kung anong grupo konektado ang nasabing mga kabataan at patuloy na nila itong biniberipika.

Una nito, ipinahayag ni AFP- Western Min­danao Command spokeperson Major Arvin Encinas na ang grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters ang may kakayahan sa pagsasagawa ng pangbobomba. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.