NAMCYA MAGSASAGAWA NG WORKSHOP

NAMCYA

Bilang bahagi ng ika-45 anibersaryo ng NAMCYA, magsasagawa ito ng mga workshop sa iba’t ibang probinsiya sa bansa, katuwang ang institusyon at mga indibidwal.

Bilang panimula, mga kilala at natatanging conductors ang mga tagapagsalita sa unang seminar,  sina Dr. Arwin Q. Tan (conductor, Novo Concertante Manila) at Professor Ramon Lijauco Jr. (conductor, Philippine Meistersingers) ngayong Hulyo 26 hanggang 28 sa Gymnasium ng Lyceum Northwestern University sa Dagupan, Pangasinan. Ang workshop ay libre at bukas sa conductors, music teachers at advanced singers.

Para magpalista ay maaaring kontakin si Ms. Jean Llamas sa 0915-1358400.

Pangungunahan naman ni 2016 Ten Outstanding Young Men Awardee Mr. Saturnino Tiamson, Jr. ang magkakasunod na workshop para sa Band at Percussion.

Habang sa darating naman na ika-30 ng Hulyo at ika-1 ng Agosto, ay pangungunahang muli ni Mr. Tiamson ang pagtuturo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Drum and Bugle Corps tungkol sa Brass at Percussion  sa tulong mismo ng MMDA.

Sa ika-4 at ika-5 naman ng Agosto ay magkakaroon ang NAMCYA at JB Music ng Percussion workshop sa Imus, Cavite. Sa mga interesado,  maaaring mag-email sa sa­[email protected]

Kasama sa mga magiging abala para maisakatuparan ang workshops na ito ay ang  sikat na percussionists at drummers na sina: Gian Vergel, Ryan Peralta, Karmi Santiago, Jacques Rivas Dufourt, IYSB Drumline, Brigada at Gip Chan mula sa Hong Kong.

Para sa iba pang detalye sa NAMCYA, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.namcya.com

Comments are closed.