NAMEMEKE NG ATM, CREDIT CARDS TIMBOG NG NBI

FAKE ATM

MAYNILA – ARESTADO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki dahil sa ilegal na paggawa at paggamit ng ATM at credit cards.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran ang suspek na si Gerald Joseph Liwag na naaresto sa isang condominium tower sa  Bonifacio Global City, Taguig.

Sinalakay ang tinutulayan ng suspek ng mga ahente ng NBI-Cyber Crime Division bitbit ang arrest warrant na inisyu ng Pasig City Branch 160.

Nag-ugat ang operasyon ng NBI sa rek­lamo ng isang mala­king bangko dahil sa paggamit ng suspek ng mga pekeng ATM at credit cards.

Sa impormasyong nakalap ng NBI, modus operandi ng grupo ng suspek na kopyahin ang ilang impormasyon ng mga credit card, ATM owners sa mga call center at sa pamamagitan ng pagkopya kung saan may mga kasabwat din sa ilang mga establisimiyento.

Nadiskubre sa condo ng suspek ang mga ginagamit sa paggawa ng pekeng credit cards at ATM kaya ng HITI card printer, Skimming device, Embossing  machine, Fargo High definition printer, removable storage device, laptop, iba’t ibang uri ng card, HUB (A4Tech), at iba pa.

Isasalang na sa Inquest Proceedings sa Department of Justice ang suspek na sasampahan ng kasong paglabag sa RA 8484 (Access Device Regulation Act 1998) na may kaugnayan sa RA 10175 o mas kilala sa “The Cyber Crime Prevention Act of 2012”. PAUL ROLDAN