NAMEMEKE NG COMORBIDITIES PARA UNANG MABAKUNAHAN, KAKASUHAN

POSIBLENG maharap sa parusa ang mga indibidwal na nagsisinungaling o namemeke ng “comorbidities” o sakit para sila ay maunang mabakunahan kontra COVID-19.

Ito ang babala ng Department of Health (DOH) matapos na makarating sa kanilang tanggapan ang mga ulat na may mga taong nagsisinungaling at nagsasabing sila ay pasok sa A3 category o mga may comorbidities para agad na maturukan ng bakuna.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may ilang mga batas na nagpapataw ng parusa laban sa mga taong mapapatunayang namemeke ng dokumento upang mabakunahan.

Tiniyak naman ni Vergeire na ginagawan ng paraan ng pamahalaan upang ang lahat ng mga tao ay mabakunahan kaya’t hindi dapat mag-unahan sa pagpapabakuna.

Sa ngayon ay inuuna lamang muna nila ang mga taong itinuturing na “vulnerable” sa virus.

Ang mga hindi pa naman kasama sa listahan ng mga prayoridad ay dapat na maghintay muna sa takdang panahon at hindi kailangang pekehin o magsinungaling na sila ay may comorbidities.

Tiniyak ni Vergeire na sa vaccination sites ay patuloy at paiigtingin pa ang ginagawang screening upang mapatunayan kung tunay bang may comorbidities o sakit ang babakunahan, base sa kanilang medical certificate o laboratory documents.

Sa ngayon, kabilang na sa mga maaaring bakunahan ay yaong kasama sa A1-A4 categories. Ana Rosario Hernandez

35 thoughts on “NAMEMEKE NG COMORBIDITIES PARA UNANG MABAKUNAHAN, KAKASUHAN”

  1. 248291 336569Spot lets start function on this write-up, I actually believe this incredible website requirements significantly much more consideration. Ill apt to be once once more to read a fantastic deal a lot more, a lot of thanks for that information. 465303

Comments are closed.