NAMFREL BINATIKOS ANG KAWALAN NG OBSERVER SA PAG-IMPRENTA NG BALOTA

MARIING  binatikos ng election watchdog na National Movement for Free Elections (Namfrel) ang hindi pagkakaroon ng observer, sa pag-imprenta ng balota ng Commission on Elections (Comelec) para sa Halalan 2022.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Namfrel chairman August Lagman na nakakapagtakang hindi nasunod ang taunang kaugalian na pagkakaroon ng observer tuwing printing ng balota.

Bagama’t kasi walang naiisip na masama ang Comelec, hindi pa rin maaalis ang pagdududa ng publiko sa transparency ng election. DWIZ882