PINANGANGAMBAHANG maging super typhoon ang tropical storm na namataan sa northern coast ng Luzon.
Sa bulletin na inilabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Administraton (Pagasa) kahapon, Linggo, ang nasabing bagyo na huling namataan sa 3,000 kilometers east ng northern Luzon, ay nakatakdang makapasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa Miyerkoles o Huwebes.
Ayon kay Pagasa weather forecaster Gener Quitlong, ang tropical storm Mangkhut ay posibleng maging super typhoon at umabot sa lakas ng super typhoon Jebi na tumama sa Japan.
Ang bagyong Jebi na tinawag na ‘Maymay’ sa Filipinas, ay dumaan lamang sa border ng bansa kamakailan subalit matinding tinamaan naman ang Japan.
Gayunman, ang tropical storm Mangkhut na inaasahang papasok sa PAR ngayong linggo ay tinatayang magiging pinakamalakas na bagyo ngayong taon.
Posible umanong ang northern Luzon ang higit na maaapektuhan ng malakas na bagyo.
Kapag pumasok ito sa loob ng PAR ito ay tatawaging Ompong.
Comments are closed.