MAY inaasahang bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) sa katapusan ng buwan.
Ayon sa Regasco, ang rolbak ay sa gitna ng pagbagsak ng contract price ng LPG sa pandaigdigang merkado.
“Ang pananaw namin mga another 5 days to go before end of the month, so nakikita namin kung magbababa pa may kaunting ibaba pa pero huwag nating i-expect ang itinaas nung Pebrero, palagay ko di aabot dun,” wika ni Regasco president Arnel Ty.
Noong Pebrero ay nagkaroon ng big-time price hike sa LPG.
Ang Petron ay nagpatupad ng P11.20 per kilogram increase sa kanilang household LPG, habang ang Solane ay P11.18/kilo.