(Namumuro sa susunod na linggo) BIG-TIME OIL PRICE HIKE

GASOLINA

MAY MALAKIHANG pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel at gasolina ay posibleng tumaas ng P1.90 hanggang P2.20 kada litro.

Nasa P1.70 hanggang P1.90 kada litro naman ang inaasahang price increase sa kerosene.

Noong nakaraang Martes, Hulyo 11, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.20, habang ang presyo ng diesel ay tumaas ng P0.75, at kerosene ng P0.50.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hulyo 11, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.65 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P2.95 kada litro at kerosene ng P5.50 kada litro.