(Namumuro sa susunod na linggo) BIG-TIME OIL PRICE HIKE

MATAPOS ang rolbak, inaasahan ang malakihang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

“We will be expecting an increase in the domestic pump prices of petroleum products by Tuesday next week due to the developments in the international oil market,” wika ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, tinukoy ang oil trading sa nakalipas na apat na araw.

Sa pagtaya ni Romero, ang presyo ng gasolina ay tataas ng P0.60 hanggang P0.85 kada litro, diesel  ng P1.45 hanggang P1.70 kada litro, at  kerosene  ng  P1.85 hanggang P1.90 kada litro.

“Among the relevant news that contributed to the trajectory increase of oil prices are the upbeat global demand forecasts from EIA (Energy Information Administration) and OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries) coupled with data showing a sharper than expected drop in US crude inventories; uncertainties over the timing of the US Fed Reserves on the interest rate cut and the reduced Saudi exports to China and potential US reserve purchases,” ani Romero.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-a-adjust ng presyo tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, June 11, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.60, diesel ng P1.20, at kerosene ng P1.30.

Hanggang June 11, 2024, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng  P6.05 at diesel ng   P4.25, habang ang sa kerosene ay bumaba ng P1.55 kada litro ngayong taon.