(Namumuro sa susunod na linggo) HIGIT P1/L ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

MATAPOS ang pagtaas ay inaasahan ang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Tinukoy ang pagtaya ng oil industry base sa international trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang presyo ng gasolina ay maaaring bumaba ng P1 hanggang P1.30 kada litro,

Nasa P1 hanggang P1.30 kada litro naman ang inaasahang bawas sa presyo ng diesel, at P1.20 hanggang P1.35 kada litro sa kerosene.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong Martes, September 3, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.50, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.70.

Ngayong taon, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P7.40 kada litro at diesel ng P4.35 kada litro.

Nagtala naman ang kerosene ng year-to-date net decrease na P3.30 kada litro. LIZA SORIANO