INAASAHAN ang mahigit P1 pagtaas sa presyo ng kada litro ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay posibleng tumaas ng P1.20 hanggang P1.50 kada litro.
Nasa P1.10 hanggang P1.40 kada litro naman ang maaaring price hike sa gas- olina at kerosene.
Ayon sa mga eksperto, ang price increase ay dahil sa desisyon ng Saudi Arabia na magbawas ng oil production.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Hunyo 6, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.60, diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.60.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hunyo 6, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P5.50 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P5.35 kada litro at kerosene ng P7.35 kada litro.