(Namumuro sa susunod na linggo) OIL PRICE HIKE NA NAMAN

INAASAHAN ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang diesel ang magkakaroon ng pinakamalaking pagtaas sa P1.30 hanggang P1.50 kada litro.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng mula P0.60 hanggang P0.80 kada litro, habang ang price hike sa kerosene ay inaasahang nasa P0.70 hanggang P1 kada litro.

Ito na ang ika-5 na sunod na linggo ng upward adjustments para sa gasolina at diesel.

Noong nakaraang Martes, Enero 30, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P2.80, diesel ng P1.30, at kerosene ng P0.45.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang inaanunsiyo kinabukasan.

Ang year-to-date net increases ay nasa P4.40 kada litro para sa gasolina, P2.90 sa diesel, at  P0.05 kada litro para sa  kerosene hanggang Enero 30.