INAASAHAN ang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ni Department of Energy (DOE)- Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, base sa four-day trading, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tatapyasan ng P0.70 hanggang P0.90.
Nasa P1 hanggang P1.15 kada litro naman ang posibleng rolbak sa presyo ng diesel at kerosene.
Ayon kay Romero, ang inaasahang bawas-presyo ay dahil sa mahinang China inflation data, Hurricane Beryl, at estado ng dolyar.
“Firstly, crude falls on weak China inflation data pointing to soft consumer confidence and the potential stimulus measures from Beijing to boost demand,” sabi ni Romero.
“Secondly, apart from shipping delays and platform evacuations, Hurricane Beryl seems to have led to relatively little physical damage, allowing US to recover oil production, offsetting a larger than expected weekly draw in US crude inventories,” dagdag pa niya.
“Thirdly, the dollar contributed to lower oil prices. Though on the later part of the week, oil markets start to focus again on fundamentals and geopolitical issues. These are the relevant news on the international oil market.”
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Hulyo 9, ang presyo ng gasolina, diesel at kerosene ay tumaas ng P1.60, P0.65 at P0.60 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Hanggang noong Hulyo 9, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P10.85 kada litro, diesel ng P9.05 kada litro, at kerosene ng P2.35 kada litro.
LIZA SORIANO