(Namumuro sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

PETROLYO-19

MAY panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng gasolina ay posibleng tumaas ng P1.35 hanggang P1.65 kada litro.

Samantala, nasa P0.25 hanggang P.55 kada litro ang maaaring maging price hike sa diesel habang sa kerosene ay P0.40 hanggang P0.60 kada litro.

Ayon sa mga eksperto, ang price increase ay dahil sa pagbabawas ng oil production ng Russia at Saudi Arabia.

Ang Russia ay isa sa pinakamalaking oil players bago ang kaguluhan, kung saan pinatawan ito ng economic sanctions ng West dahil sa opensiba laban sa Ukraine.

Noong nakaraang Martes, Hulyo 18, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.90, habang ang presyo ng diesel ay tumaas ng P2.10, at kerosene ng P1.80.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Hulyo 18, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P7.55 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P0.85 kada litro at kerosene ng P3.70 kada litro.