INAASAHAN ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng mga taga-industriya, ang presyo ng diesel ay tataas ng P0.30 hanggang P0.60 kada litro.
Nasa P0.10 hang- gang P0.40 kada litro naman ang posibleng dagdag sa presyo ng diesel at P0.20 hanggang P0.50 kada litro sa kerosene.
Noong nakaraang Martes, Setyembre 5, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.50, diesel ng P1.20, at kerosene ng P1.10.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipina- tutupad kinabukasan.
Ito na ang ika-9 sunod na linggo na may pagtaas sa presyo ng gasolina, at ika-10 na sunod para sa diesel at kerosene.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Setyembre 5, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P15.30 kada litro, diesel ng P10.70 at kerosene ng P7.74 kada litro.