(Namumuro sa susunod na linggo) TAAS-PRESYO NA NAMAN SA PETROLYO

INAASAHAN ang panibagong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Department of Energy-Oil Industry base sa oil trading sa nakalipas na apat na araw, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tataas ng mula P1.25 hanggang  P1.50, diesel ng P0.40 hanggang P0.60, at  kerosene ng P0.60 hanggang P0.80.

“Geopolitical tensions in the Middle East, an unexpectedly large withdrawals in the US crude inventories, and optimistic forecasts for summer fuel demand have all contributed to pushing prices in oil products higher,” wika ni  Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes, na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Hulyo 2, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.95,  diesel ng P0.65, at kerosene ng P0.35.

Hanggang noong Hulyo 2,  ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P9.25 kada  litro, diesel ng P8.40 kada litro, at kerosene ng P1.75 kada litro.

Batay sa  latest data mula sa price monitoring ng DOE, sa Metro Manila, ang umiiral na retail prices ng gasolina ay naglalaro sa P55 hanggang P81.75 kada litro,  diesel mula P52 hanggang P70.25 kada litro, at kerosene mula P74.04 hanggang P84.04 kada litro.