(Namumuro sa susunod na linggo)BIG-TIME OIL BIG-TIME OIL PRICE ROLLBACK

OIL PRICE HIKE-2

INAASAHAN ang malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tapyasan ng P3.70 hanggang P3.90.

Ang presyo ng kada litro ng gasolina ay inaasahan namang bababa ng P1.10 hanggang P1.30, habang ang kerosene ay P2.20 hanggang P2.40 kada litro. Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, November 22, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.40, diesel ng P2.15, at kerosene ng P2.10.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Nob. 22, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P17.75, diesel ng P33.85, at kerosene ng P27.8