MATAPOS ang tatlong linggong pagtaas, inaasahan ang big-time rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba ng P2.60 hanggang P3 kada litro.
Nasa P1.80 hanggang P2.20 kada litro naman ang inaasahang tapyas sa presyo ng diesel, at P2.40 hanggang P2.80 kada litro sa kerosene.
Ayon sa Department of Energy (DOE), ang bawas-presyo ay dahil sa pangamba sa global recession.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Enero 31, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.30, diesel ng P1, at kerosene ng P1.35.
Hanggang noong Enero 24, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P5.90, diesel ng P2.05, at kerosene ng P3.20.