(Namumuro sa susunod na linggo)BIG-TIME OIL PRICE ROLLBACK

OIL PRICE HIKE-2

MAY inaasahang malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil, ang presyo ng diesel ay posibleng bumaba ng mula P1.70 hanggang P1.80 kada litro.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring tapyasan ng P1.10 hanggang P1.30 kada litro.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Marso 14, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P1.00, habang ang diesel ay may tapyas na P0.10 at kerosene ng P0.60.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ngayong 2023, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P6.70 kada litro, habang ang presyo ng diesel at kerosene ay bumaba ng P1.00 at P1.65 kada litro, ayon sa pagkakasunod.