(Namumuro sa susunod na linggo)BIG-TIME OIL PRICE ROLLBACK

OIL PRICE HIKE-2

MAY malakihang bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng gasolina ay posibleng bumaba ng mula P1.50 hanggang P1.80 kada litro.

Nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro naman ang inaasahang rolbak sa presyo ng diesel at P1.10 hanggang P1.40 kada litro sa kerosene.

Noong nakaraang Martes, Abril 25, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.40, diesel ng P0.70, at kerosene ng P0.20.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Abril 18, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P8.95 kada litro, habang ang presyo ng diesel ay bumaba ng P2.35 kada litro at kerosene ng P3.35 kada litro.