MATAPOS ang dalawang sunod na linggong rolbak, inaasahan ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng diesel ay posibleng tumaas ng P0.70 hanggang P0.90 kada litro.
Nasa P0.50 hanggang P0.70 kada litro naman ang tinatayang price hike sa diesel, habang sa kerosene ay P0.15 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 14, ang presyo ng kada litro ng diesel ay bumaba ng P2.20 at kerosene ng P2.50, habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang February 7, 2023, ang year-to-date net increases ay nasa P5.10 kada litro para sa gasolina, P0.05 kada litro sa diesel, at P2.25 kada litro para sa kerosene.