(Namumuro sa susunod na linggo)OIL PRICE ROLLBACK NA NAMAN

OIL PRICE HIKE-2

Ito na ang ikaapat na sunod na linggo na may bawas sa presyo ng petrolyo.

Sa pagtaya ng mga taga-industriya, posibleng magpatupad ng mahigit P1 rolbak sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene.

Habang hindi pa matiyak kung ano ang magiging paggalaw sa presyo ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Hulyo 19, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P5, diesel ng P2, at kerosene ng P0.70.

Ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng kabuuang P19.30 habang ang diesel ay may net increase na P34.80 kada litro.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy, hanggang nitong Hulyo 19-21, ang presyo ng kada litro ng diesel ay naglalaro sa P73.30 hanggang P81.41 sa Quezon City, habang ang gasolina ay mula P70.20 hanggang P77.45 kada litro sa Manila.

 

LIZA SORIANO