ASAHAN ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring bumaba ng P2.20 hanggang P2.50, habang ang kerosene ay P2.30 hanggang P2.60 kada litro.
Samantala maaaring walang maging paggalaw sa presyo ng gasolina o tumaas ng hanggang P0.30 kada litro.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo na may rolbak sa presyo ng petrolyo.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Pebrero 7, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P2.10, diesel ng P3, at kerosene ng P2.30.
Hanggang noong Enero 24, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P5.90, diesel ng P2.05, at kerosene ng P3.20.