(Namumuro sa susunod na linggo)OIL PRICE ROLLBACK PA MORE

OIL PRICE HIKE-2

Ayon sa source sa oil industry, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng bumaba ng P1.70 hanggang P1.90.

Nasa P4.70 hanggang P4.90 kada litro naman ang inaasahang rolbak sa presyo ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Kinumpirma naman ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ang inaasahang oil price rollback sa susunod na linggo dahil sa pasulpot-sulpot na lockdowns sa China at sa interest rate hikes sa US at iba pang mga bansa.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na may pagbaba sa presyo ng petrolyo.

Noong nakaraang Martes, Hulyo 12, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P5.70, diesel ng P6.10, at kerosene ng P6.30.

Sa monitoring ng DOE, ang presyo sa Metro Manila ay naglalaro sa P76.45 kada litro (Caloocan City) hanggang P98.40 kada litro (Muntinlupa City) para sa gasolina; mula P83.20 kada litro (Quezon City) hanggang P98.00 kada litro (Pasay City); at mula P89.74 kada litro (Manila) hanggang P99.14 kada litro (Taguig City) para sa kerosene hanggang noong Hunyo 30, 2022.