(Namumuro sa susunod na linggo)PETROLYO BALIK DAGDAG-PRESYO

MATAPOS ang big-time rollback, nagbabadya ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa industry sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay maaaring tumaas ng P0.30 hanggang P0.50.

Nasa P0.30 hanggang P0.50 kada litro ang inaasahang price increase sa gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-a-adjust ng presyo tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Enero 10, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P0.75, diesel ng P2.80, at kerosene ng P2.10.

Ngayong taon, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P2.15 at kerosene ng P0.95, habang ang diesel ay bumaba ng P0.70 kada litro.