MATAPOS ang ilang sunod na linggong rolbak ay nagbabadyang tumaas ang presyo ng mgs produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posiboil prileng tumaas ng P2.10 hanggang P2.40.
Samantala, nasa P0.40 hanggang P0.70 kada litro naman ang inaasahang dagdag-presyo sa gasolina, habang sa kerosene ay P1.60 hanggang P1.90 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Disyembre 13, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay bumaba ng P1.70, diesel ng P3.40, at kerosene ng P4.40.
Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Dis. 6, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P13. 25, diesel ng P24.60 at kerosene ng P19.15.