(Namumuro sa susunod na linggo)ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

OIL PRICE HIKE-2

MATAPOS ang dalawang sunod na linggong pagtaas ay may inaasahang tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa isang oil industry source, ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng bumaba ng P0.80 hanggang P1.10.

Inaasahan naman ang P0.10 hanggang P0.40 rollback sa kada litro ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Oktubre 18, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas ng P0.80, diesel ng P2.70, at kerosene ng P2.90.

Ayon sa Department of Energy (DOE), hanggang Oktubre 11, ang net price increases buhat nang magsimula ang taon para sa gasolina, diesel at kerosene ay nasa P15.85, P35.80 at P26.75 kada litro, ayon sa pagkakasu­nod-sunod.