(Namumuro sa susunod na linggo)ROLBAK SA PRESYO NG PETROLYO

MATAPOS ang ilang linggong dagdag-bawas ay may inaasahang rolbak sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, ang presyo ng diesel ay bababa ng P2.10 hanggang P2.30 kada litro.

Nasa P0.80 hanggang P0.90 naman ang inaasahang tapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.

Noong nakaraang Martes, Nobyembre 15, ang presyo ng gasolina ay tumaas ng P0.90 kada litro at kerosene ng P1.35 kada litro, habang ang diesel ay may bawas na P0.30 kada litro.

Ang presyo ng kada litro ng gasolina ay ng P0.90, habang sa diesel ay P0.30, at kerosene ng P1.35.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), hanggang noong Nob. 15, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay tumaas na ng P18.15, diesel ng P36 at kerosene ng P29.95.