May namuong low pressure area (LPA) ngayong madaling araw ng Setyembre 20 sa silangang bahagi ng Batanes na inaasahang magpapaibayo rin ng habagat na nararanasan ng bansa sa mga susunod na araw, ayon sa weather bureau.
Nasa silangan ng Batanes ang naturang LPA, 745 kilometro sa silangan, timog-silangan ng Itbayat Batanes ito. Pero base sa latest forecast track ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), sabi ni Benny Estareja, weather specialist ng Pagasa, na ang naturang LPA ay pataas at patungong Taiwan.
May nakataas na yellow rainfall warning sa Zambales at Tarlac. Inasahan na mataas ang tsansa ng heavy rains hanggang 8 p.m. ng Setyembre 20.
Meron din tayong light to moderate at ocassional heavy rains ng alas 8 sa Cavite, Batangas, Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, bahagi ng Metro Manila at Rodriguez gayundin ang Metro Manila.
Ang ilang bahagi ng bansa ang Ilocos Region, asahan din ang tsansa ng paminsan minsang malakas na ulan maging sa ilang lugar sa Luzon.Ito ngang areas ng Cordillera, at Cagayan Valley mataas ang tsansa ng ulan tanghali hanggang gabi ng Setyembre 20.
Sa ibang bahagi pa ng Luzon ay may kalat kalat na pag ulan, pagkulog at pagkidlat. Samantalang sa lalawigan ng Samar at ibang bahagi ng Visayas at Mindanao ay makakaranas ng fair weather condition.
Ma. Luisa Macabuhay-Garcia