NANAIG ANG KATARUNGAN SA PAGBAWI NG JOURNALIST SA MGA KASO LABAN KAY MASBATE GOV. TONY KHO

HINDI maitatanggi na ang pagbawi ng mga kaso ng plunder, malversation of public funds, at graft practi­ces laban kay Masbate Governor Antonio Kho ay isang malinaw na patunay ng kanyang integridad bilang isang pinuno.

Siyempre, ang desisyon ni Jay Legaspi Alfaro, isang respetadong mamamahayag at sekretaryo ng Masbate Quad Media Society Incorporated, na personal na magtungo sa Ombudsman upang bawiin ang mga akusasyon, ay nagpapakita ng kawalan ng sapat na batayan upang ituloy ang mga paratang.

Matatandaang unang nagdesisyon si Ruben Fuentes, Pangulo ng Masbate Quad Media Society Incorporated, na bawiin ang 16 na kasong isinampa niya laban kay Gov. Kho at ilang pribadong kontratista.

Matapos ang masu­sing pagsusuri, napag-alamang hindi sapat ang ebidensiya upang idiin ang gobernador at iba pang respondents.

Sa pagkilos ni Alfaro, lalo pang pinagtibay ang kakulangan ng merito ng mga paratang, na nauwi sa outright dismissal ng Ombudsman sa mga kaso.

Malinaw na ang hakbang na ito ni Alfaro ay isang pag-amin na ang mga akusasyon ay walang matibay na pundasyon. Ang kanyang paghingi ng paumanhin sa pamilya ni Gov. Kho ay isang simbolo ng kanyang pagkilala sa pagkakamali at ang kanyang pagsusumikap na maitama ito.

Dapat magsilbi itong halimbawa sa lahat, lalo na sa mga miyembro ng media, na ang kanilang papel ay hindi upang magamit sa pulitikal na laro, kundi upang magsilbi sa katotohanan at katarungan.

Ang pangalan ni Gov. Kho ay nilinis sa pamamagitan ng prosesong legal, at ito ay patunay na sa kabila ng mga akusasyong ibinato laban sa kanya, ang katarungan ay nanaig.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang lalawigan ng Masbate ay patuloy na umuunlad, at ang kanyang dedikasyon sa pagsisilbi sa kanyang mga nasasakupan ay nananatiling hindi matitinag.

Isang paalala ito na ang anumang paratang ay dapat na batay sa katotohanan at may sapat na ebidensya. Ang kasong ito ay isang tagumpay hindi lamang para kay Gov. Kho, kundi para sa prinsipyo ng katarungan na dapat laging manaig sa anumang pagkakataon.

Nagpapakita rin ito  ng pagsisikap ni  Alfaro na maitama ang pagkakamali at hindi maging kasangkapan ng pulitika.

Nawa’y magsilbing aral ito sa lahat na sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Kho, ang Masbate ay patuloy na magiging isang lugar na pinamumunuan ng integridad at tapat na serbisyo publiko.