MAYNILA-HINDI tatantanan ng Manila Police District ang mga nanakot ng bomba sa iba’t ibang establisimyento.
Ito ay kasunod ng mga pananakot na may “bomb threath” sa palengke, bangko at mismong sa Department of Health.
Ayon sa MPD, nakatanggap ng mensahe sa pamamagitan ng text messages ang MPDTOC mula sa hindi kilalang texter gamit ang numerong 09563147799.
“May nilagay na bomba sa PGH PNB sa Loob ng PGH 6 lahat sa DOH Tayuman, 5 bomba sa Paco, Market 5 bomba at uunahin nila ang Maynila, Baseco, boy ang naglalagay sasabog ng 9:00am sasaby para sa pahirap ng Covid 19.”
Ito umano ang nilalaman ng text messages ng bomb threat.
Dahil dito agad na ipinagbigay alam ng MPDTOC ang insidente sa Explosive Ordnance Division ng district at agad nagtungo sa nasabing mga lugar .
Pinangunahan ni P/Lt Arnold Yanga ang pagsasagawa ng precautionary paneling at searching sa lahat ng opisina ng DOH Building. PAUL ROLDAN
Comments are closed.