SAUDI ARABIA – TALIWAS sa pahayag ng kamag-anak ng napatay na overseas Filipino worker (OFW), nananatiling ginagamot sa isang ospital ang suspek na nanaksak sa isa ring Filipino.
Ito ang paglilinaw ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia at sinabing nasa intensive care unit ng National Guard Hospital.
“Huwag po tayo maniwala sa mga balita na kumakalat sa social media na patay na ang [suspect] na OFW,” ayon kay Philippine Ambassador to KSA Adnan Alonto.
Sinabi pa ni Alonto ang paglilinaw nang ihayag ng misis ng biktima na namatay na sa ospital ang suspek.
Batay sa ulat, tumalon sa gusali ang suspek makaraang pagsasaksakin at mapatay ang co-worker nito na kanyang kasama sa inuupahang kuwarto.
Nanawagan naman si Alonto sa Filipino community sa Saudi Arabia na iwasan ang magpahayag ng maling impormasyon.
Comments are closed.