(Nanalong bidder ‘di pa kompleto sa deliveries) P1.8-B FERTILIZER SUPPLY DEAL NG DA PINAKAKANSELA

SINAG chairman Rosendo So

IPINAKAKANSELA ng agriculture stakeholders sa Depatment of Agriculture (DA) ang umano’y overpriced P1.8-B Fertilizer Supply Deal.

Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, ito ay dahil bigo ang nanalong bidder na La Filipina Uy Gongco na mai-deliver on time ang 911,073 bags ng urea fertilizer sa Central Luzon ngayong katapusan ng Hunyo.

Sinabi pa ni So na 110,000 bags ng fertilizer o 12% lamang ng kabuuang obligasyon ang naideliber ng kompanya.

Nagdududa rin ang SINAG kung bakit  walang stock ang nasabing fertilizer supplier.

“This is ground enough for Agriculture Secretary William Dar to rescind this contract,” sabi ni So.

“This is proof that La Filipina, contrary to its claim, has no stock on hand nor does it have enough incoming supply of urea fertilizer,” dagdag pa ni So.

Batay sa terms of re­ference ng kontrata, dapat ay 50% complete ang deliver sa Mayo at natapos sana ngayong Hunyo.

Ang supply contract na P995 kada bag ng urea fertilzer ng La Filipina sa Luzon ay pi­nagdudahan dahil batay sa mag-sasaka sa Central Luzon nasa P850 hanggang P890 kada bag ang presyo nito.

Kinuwestiyon na rin ng magsasaka ang kontrata dahil sa anila’y overpriced ito.

Sa Kamara de Representantes,  nanawagan ang Makabayan bloc lawmakers na masiyasat ng Committees on Agriculture and Food at Good Government and Public Accountability ang anila’y kaduda-dudang kontrata.

“The issue on the alleged overpriced fertilizer further raised suspicion because news reports stated that the winning bidder, La Fi­lipina, does not also have available stock of urea fertilizer nor has it shown any bill of lading to prove that it had incoming supply yet it still bagged the contract,”  batay sa resolusyon ng Makabayan bloc.

Sa Senado,  sinabi ni Senate, Agriculture committee chairperson Senator Cynthia Villar na kanyang paiimbestigahan ang umano’y overpriced fertilizer supply contracts.

Magugunitang iginiit ni Dar na walang iregularidad sa naturang fertilizer supply deal lalo na’t batay sa kanilang survey sa Fertilizer and Pesticide Authority na ang average price ng urea ay nasa P1,043 hanggang P1,062 per bag noong Marso hanngang Mayo.

Hindi naman ito tinanggap ni So at iginiit na ang retail price noong kasagsagan ng quarantine period ng urea fertilizer ay nasa P850 to P880 per bag lamang. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.