NANAMBANG SA PROSECUTOR SA OR. MINDORO TUMBA SA PULIS

Patay

PATAY  sa engkuwentro sa Brgy. Sapul, Calapan City, Oriental Mindoro si Provincial Prosecutor Josephine Capio Ca-ranzo sa pananambang ng 2 suspek kahapon ng mada­ling araw.

Ayon PBrig. Gen. Tomas Apolinario, Regional Director ng Police Regional Office 4-B ang nasawing mga suspek ay sina Rob-ert Magboo at Edeper Hindap Gran.

Sinabi ni Apolinario, natunton nila ang hide out ng mga suspek matapos isumbong sila ng isa pang suspek na una nilang naares-to noong Hunyo 14.

Aniya, naaresto si Jovena Sena Umali na siyang may-ari ng pulang motor na getaway vehicle ng mga suspek na tumakas mata-pos barilin si Atty. Caranzo.

Nahagip kasi ito ng CCTV sa lugar.

Nakuha naman sa motor ng suspek ang 2 helmet at kalibre 45 na ginamit sa pamamaril kay Caranzo na naisumite na rin sa Re-gional Crime Laboratory Office para sa ballistic at cross matching examination.

Sinabi naman ni Apolinario na posibleng may kinalaman sa mga kasong hinahawakan noon ni Caranzo ang motibo sa pananambang dahil aminado ang biktima na noon ay may mga nakainitan ito.

Nitong Hunyo 10 nang tambangan ng mga suspek si Atty Caranzo, masuwerte namang  nakaligtas sa pananambang ang biktima at ngayon ay patuloy na ginagamot. REA SARMIENTO

Comments are closed.