NANAY NA PUMATAY SA PALO SA 4-ANYOS NA ANAK KINASUHAN NA

PALO

BULACAN – KASONG parricide ang kinakaharap ngayon ng isang ina habang kinasuhan din ang kinakasama nito makaraang panoorin lamang ang pagpalo at paggulpi ng ina sa kanyang apat na taong gulang na anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Curvada, Barangay Minuyan, Norzagaray, noong Linggo ng gabi.

Base sa report ng Norzagaray police, nakadetine na at nasampahan na ng kaso ang suspek na ina na si Claudine Valdez, habang inaresto rin ang live-in parner nitong si Raymar Nuqui, kapwa nakatira sa Sitio Curvada, Barangay Minuyan, Norzagaray bunga ng pagkamatay ng 4-anyos na biktima.

Nang makita ng mga suspek na nangingitim at hindi na gumagalaw ang bata ay dinala nila ito sa pagamutan ngunit idineklara itong dead on arrival kaya kaagad na inaresto ang ina ng bata at kinakasama nito na posibleng ipasailalim din sa drug test dahil sa posibilidad na nakagamit ito ng droga kaya pinatay sa gulpi ang paslit. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.