Plano ni Filipino-Korean policeman Julius Manalo na iuwi sa Pilipinas ang kanyang Korean mother na nawalay sa kanya ng 31 taon.
Si Julius ay kapatid sa ama ng aktor na si Jay Manalo na Vietnamese naman ang ina.
Naunang sinabi ni Julius na balak pumunta ng kanyang ina dito sa Pilipinas, at tutuparin umano niya ito, wala pa nga lang definite time kung kelan.
“Ang napag-usapan namin, next year. Pero tina-try naming i-work out kung kaya this year,” ani Julius.
Marami na raw kasing nagamit na leave sa work ang nanay ni Julius kaya nahihirapan itong magpaalam sa trabaho.