NANCY BINAY NAGHAIN NG COC

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Senator Nancy Binay para sa pagka-alkalde sa Makati City.

Isinumite ni Binay ang kaniyang kandidatura sa Barangay Valenzuela. Target ng senadora na humalili sa kaniyang kapatid na si incumbent Makati Mayor Abigail Binay na inaasahang tatakbo naman sa senatorial race sa 2025 midterm elections.