NANG-AGAW NG MOTOR, KARNAPER BULAGTA SA PARAK

patay

BULACAN – ISANG hindi pa kilalang carnapper ang napatay ng Bulacan Police habang nakatakas ang isa pa sa engkuwentro sa Barangay San Gabriel, Sta. Maria alas-2:20 ng madaling araw kahapon.

Sa ulat ni PLt. Col. Omar Fiel, hepe ng Sta. Maria Police Station kay Bulacan Police director P. Col. Chito Bersaluna, unang biniktima at inagawan ng motorsiklo ng dalawang suspek si Isagani Rosillas y Bautista, 58, ng Brgy. Bagbaguin.

Tumakas ang mga suspek sa direksiyon ng Brgy. Mahabang Parang, pero nagsumbong si Rosillas sa mga pulis kaya naharang ang isa sa mga ito sa Brgy. San Gabriel at naki­pagbarilan  kaya bumulagta ang hindi nakikilalang karnaper habang ang kasama nito ay nakatakas.

Nakuha sa suspek ang isang kalibre .38 revolver, 10 sachet ng hinihinalang shabu at ang Yamaha Mio Soul na may plate number 8767 RH. A. BORLONGAN

Comments are closed.