NANG-BLACKMAIL SA RAPE VICTIM, NIYARI SA BULACAN

Rape

BULACAN – ISANG  araw makaraang may lima kataong minasa­ker sa drug den sa San Jose del Monte City,  isang hepe ng barangay tanod na hinihinalang tulak ng shabu at nang-rape sa isang babae ang napatay kamakalawa sa nasabing lungsod.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan-PNP, napatay si alyas Boyet Tuando, chief tanod ng Brgy. Citrus, City of San Jose Del Monte.

Sa ulat ni PLt. Col. Orlando Castil, Jr., hepe ng San Jose Del Monte City Police, bandang 4:30 ng hapon nitong Mayo 24 nang magsagawa ng entrapment operation ang pulisya sa reklamo ng babaeng itinago sa pangalang Lily at biktima ng paulit-ulit na panggagahasa ni Tuando.

Nagbanta si Tuando na papatayin si Lily kapag hindi ito nakipag-sex sa kanya kaya nagkasundo silang magkita ngunit nakatunog ang suspek sa entrapment kaya nagkabarilan, dahilan upang mapatay si Tuando ng mga pulis at nakaligtas naman si Lily. A. BORLONGAN

Comments are closed.